SANA
--------wrote this May 19, 2008, I was 2nd year college then..^^Kung ano’ng hindi atin, siyang gustong gusto nating makuha. Syempre! Alangan naman hangarin pa natin kung anong meron na tayo, di ba? Pero hindi naman pwedeng mapasaatin ang lahat. Ang yaman mo na nun kung sakali. Ang masakit nga lang, ang pinakahahangad mo pa ang tinadhanang hindi mapasayo. (May tinamaan ba dyan?...)
Di na bago, noh? Oo, masakit ang ganun pero mas masakit pag tadhana na ang nakikialam.
Panibagong araw, panibagong kahihiyan. Pero ‘di bale na basta mapansin lang siya nito. Hindi na tinatablan ng hiya si Chanthy kapag si Phil na ang pinag uusapan. Pa’no ba naman kasi, sa araw – araw na ginawa ng Diyos, wala na itong ginawa kundi kuhanin ang atensyon ng binata. Hindi kumpleto ang araw niya pag hindi niya nakikita si Phil.
Kung sabagay, sino namang hindi magkakagusto kay Phil? Matalino, hindi masungit, wala nga yatang kaaway, eh. Varsity player na, musikero pa. Dahil nga sikat, ang daming kaibigan, lalo na sa kababaihan. Hindi na dapat ipagtaka kung numero unong chickboy ito sa grupo nila. Walang babaeng hindi napapalingon kapag dumadaan ito. At hindi naiiba si Chanthy sa mga babaeng yun.
Kaya nga lang, may espesyal na karakter si Phil pagdating sa kanya; wa siya pansin. As in deadma. Talo pa niya ang tuod kung daan – daanan lang nito. At yun ang nakakuha sa atensyon ni Chanthy. Kung tutuusin nasa iisang uri lang naman sila - pareho silang sikat at kinaiinggitan. Bagay nga sila eh.
Kaya naging isang malaking challenge si Phil para sa kanya. Ito ang kauna- unahang lalaki na lantaran siyang tinatanggihan. Pero wala sa bokabularyo ni Chanthy ang sumuko katulad ng hindi rin niya alam kung anong ibig sabihin ng ‘hiya’.
Ginawa niya ang lahat ng pwedeng gawin para pansinin siya nito. Mapahiya na ang mapahiya. Tutal tinatanggap naman ng lahat ng tao ang ginagawa niya. Kahit pa nga mukhang walang pupuntahan, sige pa rin siya. Gagawin niya ang lahat maging kanya lang ang binata.
Habang tumatagal, lalo siyang nagiging determinado. Wala siyang ginusto na hindi niya nakukuha. Ngayon pang hindi na lang ito isang bagay na gustung-gusto niya. Oo nga’t nasasaktan ang pride niya sa paghahabol dito pero mas masasaktan ang puso niya kapag isinuko niya si Phil. Di bale ng magmukhang tanga. Ganun naman palagi eh. Ewan ba niya kung bakit masaya na siyang nahuhuli itong nakatingin sa direksiyon niya. Iiwas din naman ito na para bang takot na may ibang may makakita dito. Masaya na siya kapag nakikita niyang palihim itong ngumingiti kapag may ginagawa siyang kabulastugan at noong milagrong hinarang nito ang pinaka ayaw niya na bola ng baleybol sa kanilang klase sa P.E. kahit pa man hindi ito umimik pagkatapos. Isa lang ang ibig sabihin nito, nakukuha niya ang atensyon ng binata. Napapahiya nga lang siya. Pero higit pa doon ang gusto niya. Mas higit pa doon…
Kaarawan ni Phil. Dinalhan niya ito ng cake sa paaralan. Balak sana niyang sorpresahan ito. Inabangan niya itong lumabas mula sa silid aralan. Kaya lang, ng balak na sana niya itong lapitan, biglang humarang yung matabang bakla na guro nila. Ayon, sabog yung cake sa mukha nito.
Galit na galit yung bakla. Sa kauna-unahang pagkakataon, nasermonan siya nito at sa may pasilyo pa talaga ng gusali nila kung saan maraming guro at estudyante ang nakakarinig.
Naramdaman na lang niyang gumagapang ang dugo sa kanyang mukha at gusto niyang lamunin na lang ng lupa. Pinagtitinginan at pinagtatawanan pa siya ng mga tao. At ang masaklap, pinagtatawanan siya ni Phil.
Akala ni Chanthy kaya niya. Hindi rin pala. Nais niyang makitang masaya si Phil. Pero hindi sa ganitong paraan. Masakit din palang mapagtawanan ng mahal mo.
Bago pa man niya namalayan, unti – unting nahulog ang mga luha sa kanyang pisngi. Kaya ang ginawa niya, tumakbo siya nang mabilis palayo sa lugar na ‘yun. Hindi niya alam kung saan basta malayo roon. Hindi na niya pinansin ang pagtawag ng baklang guro na marumi pa rin ang mukha ng dahil sa cake at ng isa pa na pilit siyang pinipigilan.
Dinala siya ng kanyang mga paa sa loob ng banyo. Nagkulong siya doon hanggang humupa ang kanyang nararamdaman at nag – isip - isip. Buo na ang kanyang desisyon bago pa man siya lumabas. Titigilan na niya ang kahibangan na ito.
Ngunit laking gulat niya sa natagpuan sa labas ng banyo. Nakasandal doon si Phil at mukhang may hinihintay na lumabas.
Tumingin lang ito sa kanya na para bang hindi rin nito alam kung bakit siya naroon.
Matapos ang ilang sandali, nagsalita rin ito.
“Ayos ka lang?”
Nagulat talaga si Chanthy doon. Nasabi na lang niya, “Himala! May pakialam ka yata ngayon?”Ngumiti lang si Phil sa kanya. Yung ngiti na isa sa nag pahirap kay Chanthy noong makalayo.
“Salamat sa cake. Nasayang nga lang.”, pagkatapos ay tumawa ito.
“Siguro. Pero dapat na rin siguro yun para matauhan ako.”, sabi ni Chanthy
Napatingin ito bigla sa kanya at nangunot ang noo. Bumuntong hininga muna si Chanthy bago siya humarap dito at nagpatuloy.
“Matagal ko na dapat ginawa ito. Pero ngayon gagawin ko na talaga”
Lalong nagtaka ang mukha ni Phil sa kanyang pinagsasabi.
“Titigilan na kita Phil. Patatahimikin na kita. Pero sagutin mo muna ang tanong ko. Bakit mo ba ako iniiwasan? Wala akong maisip na pwedeng dahilan. ‘Yun lang naman ang gumugulo sa’kin eh. Hindi ako magkakainteres sa’yo kung hindi mo ako ginaganito. Bakit ba?”
Unti - unting nangulimlim ang anyo ni Phil habang tinatanong niya ito. Umiwas ito ng tingin sa kanya at nagsalita, “ Wala lang…”“Wala lang??? Sa lahat ng ginawa ko, bigyan mo naman ako ng kahit matinong sagot man lang, Phil!”
‘Yun lang naman talaga ang gusto ni Chanthy para matapos na. Mas masakit na dahilan, mas mabuti para may rason na siya na tuluyang layuan si Phil.
“Hindi ko pwedeng sabihin sa’yo…”
“Na ano? Phil naman! Hindi ako magagalit kahit ano pa’ng rason mo. Kahit ano bas----“
“MAGKAPATID TAYO!”
Bigla siyang natigilan sa narinig. Tama ba ang narinig niya? Magkapatid daw sila?!Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiiyak. Seryosong- seryoso si Phil ng sinabi niya ito. Hindi basta-bastang biro ito kung sakali.
Pilit na tumawa si Chanthy.
“Huwag ka nga magbiro! Seryoso ako!”
“Sa tingin mo ginagawang biro ang ganito? Seryoso rin ako. Magkapatid tayo. Magkapatid tayo sa ama!”
Mababanaag ang pait sa mga mata nito at boses. Mukhang galit at nahihirapan itong tulad niya.
Hindi makagalaw si Chanthy sa kinatatayuan niya sa gulat. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na magkapatid sila ni Phil. Si Phil pa!
“Panong---Bakit----“
Hindi maituloy – tuloy ni Chanthy ang sasabihin sa sobrang sikip ng kanyang dibdib. Pakiramdam niya ay mauupos siya kaya napaupo na lang siya roon. Naupo rin si Phil sa kabilang panig paharap sa kanya. Yumuko ito at nagpatuloy sa pagsasalita kahit pa halata sa boses nito na nahihirapan itong isiwalat sa kanya ang mapait na katotohanang iyon.
“Anak ako ng ama mo sa kabit niya noon. Matagal ko ng alam na kapatid kita. Ayoko lang tanggapin. Hindi ko kayang tanggapin. Sa lahat ba naman kasi ng pwedeng maging kapatid, bakit ikaw pa?”
Sa kabila ng kanyang nararamdamang sakit, napansin ni Chanthy na may namumuong likido sa sahig mula sa pagkakayuko ni Phil.
“ Sana hindi na lang tayo pinagtagpo. Sana pwedeng baguhin ang kapalaran. Sana pwede kitang mahalin ng higit pa sa isang kapatid.”
“Sana nga.”, nais sana sabihin ni Chanthy kay Phil ngunit hindi niya magawang magbitiw ng mga salita. Nanatili lang siya doong nakaupo at nakatingin kay Phil.
Matagal niyang inalagaan at pinalago ang pag – ibig niya para kay Phil pero hindi naman siya umaasang masusuklian ito ng binata kahit pa ito ang kanyang pinakaaasam.
Kung kelan pa tanggap na niyang isang kahibangan ang ginagawa niya, saka niya malalamang may sukli rin pala itong damdamin mula sa pinag - uukulan niya nito.
Kung kelan naman magkaroon na ng katuparan ang pagmamahalan nila ni Phil, saka makikialam ang tadhana,saka niya malalamang kahit kailan ay hindi nila maaaring iparamdam ito sa isa’t isa sapagkat mali sa mata ng Diyos at sa mata ng tao.
Kung kelan nagiging tama na ang lahat, saka magiging mali ang sitwasyon. Kung kelan maaari na silang maging masaya, saka niya malalamang magkapatid sila…
Umalis ito sa pagkakaupo at lumapit sa kanya. Pareho pala silang umiiyak, nasasaktan. Parehong isinusumpa ang katotohanan. Larawan ng mga taong pinaglaruan ng kanilang kapalaran.
“Sana sa susunod kong buhay hindi tayo magkapatid, hindi tayo mag kadugo. Kahit sino ka pa basta…”
Humalik ito sa kanyang noo bago tumayo at umalis. Halik ng pamamaalam… Pamamaalam na pang habambuhay…
******************************~~~~~~~~~~~~~~cho~~~~~~~~~~~~~~~~**********************************